Pilipinas mangunguna sa Southeast Asia sa paglago ng ekonomiya ayon sa pagtaya ng ADB
Inaasahang mangunguna ang Pilipinas sa buong Southeast Asia sa paglago ng ekonomiya ngayong taong 2023.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), base ito sa pinakahuling ulat ng Asia Development Bank (ADB).
Sa GDP Growth Projection ng ADB ngayong buwan ng Hulyo, nasa 6.0 percent ang projection para sa GDP growth ng bansa.
Mas mataas ito kumpara sa 5.8 percent na projection para sa Vietnam at 4.8 percent na projection sa Indonesia.
Ayon sa PCO, malaking bagay ang gross domestic product (GDP) growth projection na ito sa paghihikayat ng mas madaming pamumuhunan na magbubukas ng higit na trabaho at makatutulong sa pagpapababa ng kahirapan sa bansa. (DDC)