Commemorative coin set ng BSP para sa 125th Anniversary ng Philippine Independence, sinimulan ng ibenta sa publiko

Commemorative coin set ng BSP para sa 125th Anniversary ng Philippine Independence, sinimulan ng ibenta sa publiko

Mabilis na naubos ang inilabas na commemorative coin ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa paggunita ng ika-125 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Biyernes (July 7) ala 1:00 ng hapon ng simulan ng BSP ang pagbebenta sa 125th Anniversary of Philippine Independence and Nationhood (APIN) coin set.

Agad naubos ang 1st batch nito makalipas lamang ang isang oras.

Ang APIN coin set ay ibinebenta sa halagang P6,000.

Binubuo ito ng 100-Piso, 20-Piso, at 5-Piso denominations.

Mag-aanunsyo naman muli ang BSP kung kailan magiging available ang ikalawang batch ng APIN coin set. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *