Top 1 Most Wanted Person sa Cebu arestado ng pulisya

Top 1 Most Wanted Person sa Cebu arestado ng pulisya

Nadakip ng mga tauhan ng City Intelligence Unit ng Cebu City Police Office ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person ng Cebu sa kasong kaugnay sa iligal na droga.

Ang operasyon ay ikinasa sa Sitio Upper Kalunsan St., Brgy. Kalunasan, sa Cebu City.

Ayon kay Police Colonel Ireneo B Dalogdog, City Director ng CCPO, ang akusado na kinilalang si alyas ‘Richard’, 41, anyos.

Inaresto ang akusado sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Mory A. Nueva, Presiding Judge, ng RTC Branch 13 ng Cebu City sa kasong paglabag sa Sec. 11, Art. II ng RA 9165.

Ang suspek ay dati na ring naaresto sa kaparehong reklamo taong 2020 at 2021.

Katuwang ng CCPO sa matagumpay na operasyon ang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group 7. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *