Modeling clay toys na hindi rehistrado at unnotified, ipinapa-ban sa FDA

Modeling clay toys na hindi rehistrado at unnotified, ipinapa-ban sa FDA

Binalaan ng watchdog group na BAN Toxics ang publiko sa unregistered at unnotified na produktong pambata gaya ng modeling clay toys na ibinebenta sa merkado.

Nagawa ng grupong BAN Toxics na makabili ng 8D Super LIght Modeling Clay Toy sa halagang P65 per pack sa Divisoria sa Maynila.

Ayon sa grupo, walang labelling requirements at maaaring hindi pumasa sa pagsusuri ang produkto.

Noong nakaraang taon ang Food and Drug Administration ay nagpalabas ng dalawang Public Health Advisories sa pagbili at paggamit ng unnotified toy and childcare article (TCCA) product na modeling clay toys.

Ayon as BAN Toxics maaaring may delikadong kemikal ang produkto na hindi makabubuti sa mga bata.

Ang paggamit ng substandard at posibleng adulterated toy at child care article products ay maaaring magresulta ng health risks gaya ng endocrine disruption at reproductive o development effects; o magdulot ng injury, choking o suffocation.

Kasabay nito ay tiniyak ni Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics na bilang bahagi ng kanilang Safe Toys for Kids Campaign ay patuloy silang magsasagawa ng public awareness campaign laban sa mga unlabeled at unnotified na produkto para protektahan ang mga consumer lalo na ang mga bata sa nakalalasong kemikal. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *