416 na PDLs mula sa iba’t ibang bilangguan sa bansa, pinalaya ng BuCor
Lumaya na ang kabuuang 416 na Persons Deprived of Liberty (PDL) nitong Pebrero 20 ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Pinangunahan nina BuCor General Director, General Gregorio Catapang, Department of Justice Secretary Crispin Remulla at Public Attorneys Office chief Persida Rueda Acosta ang simpleng seremonya.
Mula sa iba’t ibang penal farm sa bansa ang mga lumayang PDLs kung saan 83 rito ay buhat sa maximum security compound, 104 sa medium security compound habang 12 naman ang galing sa minimum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Bukod dito, nakalaya na rin ang tatlo pang PDL mula sa Reception and Diagnostic Center (RDC), 22 sa Leyte Regional Prison (LRP), 42 sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF), 13 sa Sablayan Prison Penal Farm (SPPF), 14 mula sa Iwahig Prison Penal Farm (IPPF), 42 sa Correction Institute for Women (CIW) habang 76 naman mula sa Davao Prison Penal Farm (DPPF).
Ayon pa sa BuCor karamihan sa mga lumayang PDLs ay nakakumpleto na ng kanilang sentensya sa bilangguan habang 81 naman dito ay nabigyan ng parole ng pamahalaan dahil sa kanilang mabuting record sa loob ng habang nakapiit sa kulungan. (Bhelle Gamboa)