Vice Ganda nag-sorry na kay Karylle kasunod ng viral video na umani ng batikos

Vice Ganda nag-sorry na kay Karylle kasunod ng viral video na umani ng batikos

“We are OK”.

Ito ang pahayag ni Vice Ganda matapos siyang humingi ng paumanhin sa “It’s Showtime” co-host nito na si Karylle.

Naging usap-usapan sa social media ang umano ay pambabara ni Vice kay Karylle habang pinag-uusapan ang kanta ni Vhong Navarro.

Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Vice sa co-host.

Dahil sa insidente, nag-number 1 sa Philippine trend sa Twitter si Karylle at kasama din sa trending si Vice.

Sa kaniyang unang tweet inamin ni Vice na may pagkakamali sa kaniyang panig at sinabing babawi siya.

Kasunod nito ay muling nag-tweet si Vice at sinabing nag-sorry siya kay Karylle habang magkakasama sila sa dressing room.

Sinabi umano ni Karylle na hindi naman siya na-offend kay Vice. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *