“Litany of gratitude” inilabas ng CBCP bilang pasasalamat sa unti-unting pag-recover ng bansa sa COVID-19 pandemic
Nagpalabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng special prayer bilang pasasalamat sa unti-unti nang pagbuti ng sitwasyon ng bansa sa pandemya ng Covid-19.
Pinalitan ng inilabas na “Litany of Gratitude” ang naunang “Oratio Imperata” o obligatory prayer na inilabas ng CBCP para sa proteksyon laban sa Covid-19 pandemic.
Ayon sa CBCP, ang “Litany of Gratitude after the Covid-19 Pandemic” ay dadasalin sa mga weekday at Sunday Masses simula sa Feb. 11 hanggang sa Feb. 22 – Ash Wednesday.
Ayon kay CBCP Secretary General, Msgr. Bernardo Pantin, ang dasal ay inaprubahan sa isinagawang plenary assembly ng mga obispo. (DDC)