Mga palengke sa Tagbilaran City, QR Ready na
Sa pagtutulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of the Interior and Local Government (DILG), at lokal na pamahalaan ng Tagbilaran, inilunsad na sa Tagbilaran City ang Paleng-QR Ph Plus.
Sa ilalim ng nasabing programa, isinusulong ang pagbabayad gamit ang QR Ph code sa mga pamilihan at pampublikong sasakyan.
Ayon kay BSP Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat, layunin din ng programa na matiyak na ang ligtas, mabilis, at maaasahang pagbabayad.
Layon din nitong matulungan ang maliliit na negosyo.
Sinabi ni Tagbilaran City Mayor Jane C. Yap, makatutulong ang Paleng-QR Ph Plus na gawing digital ang mga serbisyong pampubliko.
Ang Tagbilaran City ang unang LGU sa Visayas na nagpatupad ng Paleng-QR Ph Plus.
Noong nakaraang taon ay inilunsad ang programa sa Baguio City at Davao City. (DDC)