Cessna Plane na may lulang 6 na katao nawawala

Cessna Plane na may lulang 6 na katao nawawala

Isang Cessna Plane na may sakay na anim na katao ang iniulat na nawawala matapos itong umalis sa Cauayan Domestic Airport sa Isabela.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), inilagay na nila sa “Distress Phase” ang naturang eroplano dahil sa posibilidad na nasa panganib ang eroplano at mga sakay nito.

Sinabi ng CAAP na nakatanggap sila ng “uncertainty phase” alert mula sa Cauayan Tower ganap na 3:17 n hapon ng Martes (Jan. 24) matapos matukoy na hindi nakalapag sa destinasyon ang eroplano.

Patungo dapat ng Maconacon, Isabela ang Cessna Plane na may tail number RPC 1174.

Hindi pa inilalabas ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga sakay ng eroplano. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *