Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA; posibleng maging bagyo

Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA; posibleng maging bagyo

Isang Low Pressure Area (LPA) ang nabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurello, huling namataan ang LPA sa layong 1,140 kilometers East ng Northern Luzon.

May posibilidad aniyang maging ganap na bagyo ang nasabing LPA.

Wala pa itong direktang epekto sa bansa pero simula bukas (Oct. 19) ay maghahatid na ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Bicol Region.

Samantala, ang dating typhoon Neneng na may international name na “Nesat” ay patuloy na lumalayo sa bansa at wala nang epekto saanmang panig ng Pilipinas.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw ng Martes, Oct. 18 makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Babuyan Islands at Batanes dahil sa Northeasterly Surface Windflow.

Habang Southwesterly Surface Windflow naman ang magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, bahagyang maulap na papawirin lamang ang mararanasan na may isolated na pag-ulan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *