Pamilya ng limang rescuers sa Bulacan na pumanaw sa pananalasa ng bagyong Karding binigyan ng tig-2 milyon ng negosyanteng si Ramong Ang
Tumanggap ng tig-da-dalawang milyong piso ang pamilya ng limang rescuers na pumanaw sa Bulacan habang tumutulong sa rescue operations noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ang tulong ay ibinigay ng CEO ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang.
Ayon kay Ang, ito ay bilang pagkilala sa limang rescuer na nasawi habang tinatangkang maglitas ng buhay ng mga na-trap sa pagbaha dahil sa bagyo.
“I could not help but be moved, meeting their families who, despite their grief, showed quiet strength and resolve to survive despite their personal tragedy,” ayon kay Ang.
Ang tulong-pinansyal ay tinanggap ng pamilya ng limang nasawi. Maliban sa financial assistance, nangako din si Ang na pagkakalooban sila ng stable livelihood support.
“They couldn’t stop thanking us, but the truth is, it’s all of us who owe them a debt of gratitude. Despite the dangers, they fulfilled their duty to help and save others,” dagdag pa ng negosyante.
Sinabi ni Ang na bagaman hindi na maibabalik ang buhay ng lima, maaaring matulungan sila na makamit ang kanilang pangarap para sa kanilang pamilya. (DDC)