PNP magpapatupad ng gun ban sa NCR para sa unang SONA ni PBBM
Magpapatupad ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila bilang paghahanda sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay PNP Director for Operations Maj. Gen. Valeriano de Leon, ipatutupad ang gun ban mula July 22 hanggang July 27.
Idaraos ang unang SONA ni Marcos sa July 25.
Sinabi ni De Leon na nakatakda ring bumuo ng Task Force ang PNP para matiyak ang seguridad sa SONA ni Marcos.
Ayon kay De Leon, aabot sa 15,000 security personnel ang ipakakalat sa SONA.
Kapapalooban ito ng mga tauhan ng PNP, mga sundalo, at forced multipliers mula sa iba pang ahensya ng gobyerno. (DDC)