Konstruksyon ng Bulacan Airport hindi apektado ng pag-veto ni PBBM sa Bulacan Airport City Special Ecozone

Konstruksyon ng Bulacan Airport hindi apektado ng pag-veto ni PBBM sa Bulacan Airport City Special Ecozone

Tuloy ang konstruksyon ng 2,500-hectare international airport sa Bulakan, Bulacan kasunod ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand“Bongbong” Marcos Jr. sa panukalang batas na naglalayong magtayo ng special economic zone at freeport sa paliparan.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hindi apektadong pag-veto sa panukalang batas ang konstruksyon ng New Manila International Airport (NMIA) o kilala rin sa tawag na Bulacan International Airport.

Una nang inaprubahan ng Kongreso ang prangkisa ng San Miguel Corporation (SMC) para sa pagtatayo ng nasabing paliparan.

Sinabi ni Angeles na ang pag-veto ng pangulo sa panukala ay para maitama at maidagdag ang ilang proseso sa House Bill 7575.

Ipinaliwanag ni Angeles na suportado ng Marcos administration ang pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority (BACSEZFA) pero may mga kailangang ayusin sa HB 7575. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *