Voters registration muling nag-resume ngayong araw

Voters registration muling nag-resume ngayong araw

Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na magparehistro sa muling pagre-resume ng voters registration.

Simula ngayong araw, July 4 hanggang July 23 ay magkakaroon muli ng voters registration sa mga tanggapan ng Comelec sa buong bansa.

Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco, bukas ang Comelec offices mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 ng umaga hanggang5:00 ng hapon.

Maikli lang aniya ang panahon para sa pagpaparehistro para makasunod ang poll body sa itinatakda ng batas at election guidelines dahil idaraos ang Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.

Dahil dito, payo ni Laudiangco sa publiko, huwag nang hintayin pang sumapit ang deadline sa pagpaparehistro para hindi pumila ng mahaba. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *