Matapos ang siyam na sunod na buwan na pagtaas, presyo ng kuryente bababa ngayong buwan – Meralco
Bababa ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Enero.
Ito ay matapos ang siyam na magkakasunod na buwan na nagpatupad ng power rate hike ang kumpanya.
Ayon sa Meralco, bababa ng P0.07 per kilowatt hour ang singil sa January 2022 billing dahil sa bawas sa generation charge.
Katumbas ito ng P15 na bawas sa bill sa mga kumokonsumo ng 200kwh kada buwan.
P22 na bawas sa bill sa mga kumokonsumo ng 300kwh kada buwan.
P22 na bawas sa bill sa mga kumokonsumo ng 400kwh kada buwan.
P37 na bawas sa bill sa mga kumokonsumo ng 500kwh kada buwan. (DDC)