Lotto Draw sinuspinde ng PCSO hanggang Jan. 12

Lotto Draw sinuspinde ng PCSO hanggang Jan. 12

Suspendido muna ang Lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) simula ngayong araw, January 10 hanggang sa January 12.

Sa inilabas na abiso ng PCSO, ito ay para mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado ng ahensya, mga ahente at maging ng publiko.

Mananatili namang bukas ang mga Lotto outlets para sa mga nais na bumili ng tickets para sa Digi/Jackpot Games, Keno at Instant Sweepstakes.

Habang tuloy din ang operasyon ng STL sa mga lugar na pinapayagan ng lokal na pamahalaan.

Ang mga nabili nang tickets ay kailangang ingatan ng mabuti dahil magsasagawa ng catch-up draws ang PCSO sa sandaling magbalik ito sa operasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *