Walong bansa, teritoryo sasailalim sa red list mula Dec. 16 hanggang Dec. 31
Sasailalim sa red list ng pamahalaan ang walong mga bansa at teritoryo bilang bahagi ng pag-iingat ng bansa kontra COVID-19.
Ayon kay acting Presidential spokesperson Karlo Nograles, simula Dec. 16 hanggang Dec. 31 sasailalim sa COVID-19 red list ang Andorra, France, Monaco, Northern Mariana Islands, RĂ©union, San Marino, South Africa, at Switzerland.
Ang mga biyahero na galing sa mga bansa o teritoryo na nasa red list ay hindi papayagang pumasok sa bansa.
Maliban na lamang kung sila ay bumiyahe sa pamamagitan ng repatriation flights ng pamahalaan.
Lahat naman ng mga lugar na mayroong local transmission ng Omicron variantng COVID-19 ay isinailalim ng IATF sa yellow list. (DDC)