Senior citizens at persons with comorbidities babakunahan na din ng booster shots ng COVID-19 vaccine

Senior citizens at persons with comorbidities babakunahan na din ng booster shots ng COVID-19 vaccine

Pinalawig ng Department of Health (DOH) sa mga senior citizens at persons with comorbidities ang pagbibigay ng booster shots ng COVID-19 vaccines.

Magsisimula ngayong Lunes, Nov. 22 ang pagtuturok ng booster doses sa mga nasa bahagi ng priority groups A2 at A3.

Sinabi ng DOH na ang mga nasa A2 at A3 categories ay eligible na makatanggap ng single COVID-19 booster dose, na homologous o heterologous dose.

Sa ilalim ng homologous booster dose ay parehong vaccine brand na ginamit sa primary series ang ituturok.

Habang ang heterologous booster dose naman ay babakunahan ang indibidwal ng ibang brand. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *