Bintana ng tren ng MRT-3 pinukol bato; isang pasahero ang nasugatan

Bintana ng tren ng MRT-3 pinukol bato; isang pasahero ang nasugatan

Isang pasahero ang nasugatan makaraang may mambato sa tren ng MRT-3 sa bahagi ng Taft Avenue Station.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng MRT-3, nangyari ang insidente 6:51 ng umaga ng Linggo (Nov. 21).

Nasira ang bintana ng tren at isang lalaking pasahero ang nasugatan.

Isang scavenger umano ang naghagis ng bato na kalaunan ay nahuli sa bahagi ng isang construction site sa Taft Avenue.

Agad namang nalapatan ng first aid ang pasahero sa bahagi ng Magallanes Station at saka dinala sa San Juan De Dios Hospital sa Pasay City.

Tiniyak ng management ng MRT-3 na papanagutin ang naghagis ng bato at sasampahan ito ng kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *