Limited face-to-face classes sa lahat ng kurso sa kolehiyo na nasa Alert Level 1, 2 at 3 inaprubahan ng IATF
Inaprubahan ng Inter Agency Task Force ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) na makapagsagawa na ng limited face-to-face classes sa lahat ng kurso sa kolehiyo sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 1, 2 at 3.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, may mga kondisyon na inilatag ang IATF sa pag-apruba sa rekomendasyon ng CHED.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng 50% indoor venue capacity, dapat ay walang pagtutol mula sa concerned local government unit, at dapat fully vaccinated lahat ang mga teaching at non-teaching personnel at mga mag-aaral.
Inatasan ng AITF ang CHED na ipatupad ang phased implementation program at siguruhin ang ligtas na reopening ng higher education campuses.
Ang Phase 1 implementation period ay sisimulan sa December 2021 onwards.
Sa ilalim ng Phase 1 lahat ng higher education institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 ay maari nang mag-apply para sa limited face-to-face classes.
Ang Phase 2 implementation period naman ay sa January 2022 onwards kung saan ang lahat ng HEIs sa ilalim ng Alert Level 3 ay papayagan nang mag-apply para sa limited face-to-face classes. (DDC)