DOH nagbabala sa pagbibigay ng booster doses ng COVID-19 vaccine
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa pagbibigay o pagtanggap ng booster doses ng COVID-19 vaccine.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng DOH na sa ngayon ay pinag-uusapan pa ng kagawaran kasama ang kanilang Expert Groups hinggil sa pagbibigay ng booster doses.
Sinabi ng DOH na wala pang pinal na rekomendasyon ang mga eksperto hinggil dito.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, maging ang DOH mismo ay wala pa ding rekomendasyon sa pagbibigay ng booster shots.
Paliwanag ni Vergeire, wala pang approval ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) at ang All Expert Group (AEG) tungkol sa booster shots.
Bagaman mayroon nang rekomendasyon ang Vaccine Experts Panel hinggil dito, ito ay sumasailalim pa sa deliberasyon ng AEG. (DDC)