RORO operations sa Polilio malaking ginhawa sa mga residente

RORO operations sa Polilio malaking ginhawa sa mga residente

Ikinagalak ni Mayor Cristina Bosque ng Polillo Quezon ang operasyon ng mga Roro Vessel sa kanilang Isla sa posibleng magpapaunlad ito sa kanilang lugar.

Ayon sa Alkalde, malaking kaluwagan ito at kaginhawaan sa mga residenteng naninirahan sa Isla na madalas nakaabang sa Weather Forecast na laging may pangamba.

Nagsimula ang operasyon ng mga RORO Vessel nitong July 11 lamang at madami ng truck ang nakakatawid sa Isla dala nito ang mga kargamento na galing pa sa Metro Manila.

Kampante na rin ang mga pasahero na tatawid sa mainland ng Quezon Province sakay sa dekalidad na heavy duty Roro Vessel.

Paalala ng alkalde sa mga gustong tumawid sa Isla ng Polillo na kailangan kumpleto ang kanilang mga kaukulang dokumento na angkop sa mga guidelines ng IATF.

Dagdag pa ni Mayor Bosque, na kailangang sundin ang panuntunan ng IATF upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lugar. (Jay-ar Narit)

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *