138 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa PNP
Nakapagtala ang Philippine National Police ng 138 pang bagong kaso ng COVID-19.
Sa datos na inilabas ng PNP Health Service, umabot na sa 37,197 ang total number of cases ng COVID-19 sa PNP.
Sa nasabing bilang, 34,403 ang gumaling na makaraang makapagtala ng dagdag na 109 na recoveries.
Nasa 2,685 naman pa ang aktibong kaso.
Habang 109 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi. (DDC)