DOH nakapagtala ng 640 pang Delta variant cases ng COVID-19
Nakapagtala ng dagdag na 640 pa na Delta variant cases ng COVID-19 ang Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, batay sa pinakahuling datos ng University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), mayroong 640 Delta variant cases na na-detect sa 748 samples na isinumite para sa genome sequencing.
Sa naitalang 640 Delta variant cases, 584 ay pawang local cases, 52 ay pawang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 4 cases ang bineberipika pa.
Naitala ang 640 local cases sa sumusunod na mga lugar:
Ilocos Region (35 cases)
Cagayan Valley Region (52 cases)
Central Luzon (45 cases)
CALABARZON (49 cases)
MIMAROPA (13 cases)
Bicol Region (20 cases)
Western Visayas (47 cases)
Central Visayas (16 cases)
Eastern Visayas (34 cases)
Zamboanga Peninsula (24 case)
Northern Mindanao (45 cases)
Davao Region (32 cases)
Soccsksargen (11cases)
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (2 cases)
Cordillera Administrative Region (15 cases)
Caraga (32)
National Capital Region (112 cases)
Sa naitalang 640 Delta variant cases, 624 ang gumaling na, 3 ang aktibo pa at 13 ang pumanaw.
Ayon sa DOH, umabot na sa 2,708 ang total Delta variant cases na naitatala sa bansa.
Samantala nakapagtala din ng dagdag na 24 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 28 Beta (B.1.351) variant cases, at limang P.3 variant cases. (DDC)