Zipper lane ipatutupad sa White Planes Ave. sa paggunita ng EDSA People Power Anniversary

Zipper lane ipatutupad sa White Planes Ave. sa paggunita ng EDSA People Power Anniversary

Magbubukas ng zipper lane ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa eastbound direction ng White Plains Avenue sa n Quezon City bukas araw ng Huwebes (Feb.25).

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ang zipper lane o counterflow scheme ay bubuksan sa harap ng Camp Aguinaldo Gate 5 para sa mga sasakyan na patungong EDSA.

Maglalagay ng plastic barriers at traffic cones para magsilbing gabay sa mga motorista.

Magdaraos ng simple at maiksing programa bukas sa People Power Monument simula alas 8:00 ng umaga.

Katuwang ang Philippine National Police, local government unit ng Quezon City, sinabi ng MMDA na magtatalaga ng mga traffic marshals para magmando ng traffic flow sa White Plains.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *