YouTube account ng ABS-CBN terminated dahil sa paglabag umano sa terms of service
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang ABS-CBN matapos ma-terminate at ma-shut down ang kanilang account sa YouTube.
Ang YouTube ang nagsisilbing streaming platform ng network matapos mawala sa free TV.
Kapag binisita ang YouTube account ng ABS-CBN News nakasaad ang mga kataga na “account has been terminated for a violation of YouTube’s Terms of Service.”
Wala namang nakasaad na impormasyon kung ano ang nalabag ng network.
Kinumpirma naman ito ng ABS-CBN at sinabing batid nila na may problema sa pag-access sa kanilang ABS-CBN News channels sa YouTube.
Iniimbestigahan na umano na nila ito at nakikipag-ugnayan na sila sa YouTube tungkol dito.