Yellow warning nakataas sa maraming lalawigan sa Mindanao
Inuulan ang maraming mga lalawigan sa Mindanao dahil sa trough ng Low Pressure Area (LPA).
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, February 8, yellow warning na ang nakataas sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur (Hinatuan, Lingig), Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, Misamis Oriental (Gingoog City, Claveria), Bukidnon (Impasug-Ong), Zamboanga del Norte (Dapitan City, Sibutad).
Babala ng PAGASA, maari nang makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa bulubunduking mga lugar.
Pinapayuhan ang mga residente at local disaster risk reduction and management council na mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA.