Western section ng Luzon apektado ng Habagat at ITCZ nakaaapekto naman sa Mindanao
Dalawang weather system ang umiiral sa bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, apektado ng Habagat ang western section ng Luzon.
Habang intertropical convergence zone naman o ITCZ ang umiiral sa buong Mindanao.
Dahil sa Habagat, ang buong palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Dahil naman sa ITCZ, maulap na kalangitan din na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Caraga at sa Davao Region.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon na may tsansa lamang ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa loob ng bansa sa susunod na tatlong araw./ END