Water quality monitoring device ilalagay sa Baseco, Maynila
Nakipagkasundo ang Manila City Government sa Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagkakabit ng water quality monitoring device sa Baseco beach.
Sa isinagawang seremonya araw ng Martes (February 9) lumagda si Manila Mayor Isko Moreo sa memorandum agreement para sa pagkakabit ng Water Quality Monitoring Equipment o WQME na bahagi ng rehabilitation sa Manila Bay.
Ayon sa DENR, gamit ang device makaka-kalap ng datos ang mga otoridad at maire-record ang antas ng oxygen, temperatura, salinity, turbidity at iba pa.
“Today is a testament to our commitment to the rehabilitation of the Manila Bay. Both the national government and the local government stepped up the efforts to make this happen,” ayon sa alkalde.
Gamit ang makina na ilalagay, sinabi ni Moreno na malalaman din kung nagbunga ba ang ginagawa ng lokal na pamahalaan na paglilinis sa Baseco.
Pinasalamatan ni Moreno ang DENR at ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang papel sa Manila Bay rehabilitation program.
“We dedicate this to the people of Manila. Sila naman ang makikinabang rito. Pero alam ko na magiging OK ang lahat kung ang tao ay may malasakit sa kanyang kapwa at mas maging responsable s’ya sa kanyang pamayanan,” dagdag ng alkalde.