Water level ng Ipo dam lagpas na sa normal high-water level
Lagpas na sa normal high-water level ang antas ng tubig sa Ipo dam.
Ayon sa PAGASA, alas 6:00 ng umaga kanina (Oct. 12), nasa 101.11 meters ang antas ng tubig sa nasabing dam.
Ang normal high-water level ng Ipo dam ay 101 meters lamang.
Samantala, ngayong umaga din, ang water level ng La Mesa dam ay nasa 79.73 meters.
Malapit na rin sa normal high-water level nito na 80.15 meters.
Habang ang Angat dam naman ay nasa 181.98 meters na malayo pa sa 210 meters na normal high-water level.
Sa magdamag ay pawang nadagdagan ang antas ng tubig ng iba pang mga dam sa Luzon.