WATCH: Toll gate sa EDSA hindi makatutulong sa traffic ayon sa LCSP
Hindi makatutulong upang lumawag ang traffic sa EDSA kung lalagyan ito ng tollgate.
Reaksyon ito ng Laywers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa panukala ng opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na lagyan ng toll gate ang EDSA para makabawas sa matinding trffic.
Sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng LCSP, kahit may toll gate na ang EDSA ay hindi naman mababawasan ang mga sasakyang dadaan dito.
Maliban dito, ang mga expressway aniya gaya ng NLEX at SLEX ay pawang may toll gate pero madalas pa ding traffic.
https://www.facebook.com/newsflashwebsite/posts/131207202013078
Sinabi ni Inton na dagdag gastos dito ito sa mga motorista lalo na kapag galing ng probinsya na magbabayad na ng sa NLEX o SLEX at muling magbabayad ng toll pagdating sa EDSA.
Maari rin ito gawing katuwiran ng public transport sector para mag-petisyon para sa dagdag pasahe dahil dagdag gastos sa kanila ang toll kung sakalis.
Ayon pa kay Inton, dapat na ikunsidera din ang maraming intersection sa EDSA.
https://www.facebook.com/newsflashwebsite/posts/131208172012981