WATCH: Pampasaherong jeep sa Bulacan na-impound dahil sa patung-patong na paglabag
Isang pampasaherong jeep ang nahuli sa operasyon ng Inter Agency Council for Traffic sa Bocaue, Bulacan.
Sa isinagawang operasyon, pinara ang mga bumibiyaheng sasakyan para tingnan kung nakasusunod ang mga ito sa health and safety protocols.
Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask at face shield ng lahat ng mga pasahero.
Ang pampasaherong jeep na may plate number na CVR 171, ipina-impound ng IACT dahil sa maraming paglabag.
Ang driver ng jeep ay walang balidong driver’s license, ang lahat ng apat na gulong ng jeep ay kalbo na, at bigo din na makasunod sa COVID-19 health protocols dahil ang dalawang pasahero nito ay walang face shield.
May mga pampasaherong bus din na pinara para paaalalahanan ang mga driver at pasahero na sundin ang health protocols.