WATCH: BRP Gabriela biyaheng Zamboanga para maghatid ng 200 LSIs
Biyaheng Zamboanga ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) para siguruhin ang ligtas at maginhawang pag-uwi ng humigit-kumulang 200 na locally stranded individual (LSI).
Huwebes (August 20) ng madaling araw, sinundo ng PCG bus ang unang batch ng mga LSI mula sa Philippine Army (PA) gymnasium sa Fort Bonifacio, Taguig City at inihatid sa Pier 13, Port Area, Maynila kung saan nakadaong ang naturang barko.
Inihatid naman ng mga service vehicle ng Army ang second batch ng mga LSI.
Sa kahabaan ng biyahe, sagot ng gobyerno ang pagkain, matutulugan, at regular check-up ng mga LSI para masigurong mananatili silang ligtas sa banta ng COVID-19. (END)