Walong rockfall events naitala sa Mt. Mayon sa magdamag
Nakapagtala ng walong rockfall events ang Phivolcs sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong Miyerkules, Dec. 2 wala namang naitalang volcanic earthquake sa Mt. Mayon.
Noong Oct. 29 ang sulfur dioxide na naitala sa bulkan ay umabot sa 436 tonnes per day ang average.
Nananatili sa Alert Level 1 ang alert status ng bulkan.
Dahil dito, patuloy ang paalala ng Phivolcs na bawal pa din ang papasok sa loob ng 6-kilometer radius Permanent Danger Zone ng bulkan.
May mga panganib pa rin kasi ng rockfalls, landslides, ash puffs at phreatic eruptions sa Mt. Mayon.