Walo sugatan sa sunog na naganap sa tren ng MRT-3

Walo sugatan sa sunog na naganap sa tren ng MRT-3

Nasugatan ang walong pasahero matapos na magkaroon ng sunog sa hulihang coach ng isang tren habang bumibiyahe ito sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations northbound.

Sa pahayag ng MRT-3 nangyari ang insidente alas 9:12 ng gabi ng Sabado, October 9.

Alas 9:31 ng gabi nang dumating ang fire brigade sa lugar at naapula ang apoy.

Alas 9:42 naman ng gabi nang maihiwalayang apektadong bagon sa dalawang iba pang bagon.

Walo sa mga pasahero ang nasugatan kabilang ang apat na lalaki at apat na babae.

Nagtamo sila ng minor bruises sa kanilang braso at binti nang sila ay tumalon mula sa tren.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa nangyari.

Hiniling na ng MRT-3 sa kanilang maintenance provider na Sumitomo Corporation na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nangyari at alamin kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Sa hiwalay na pahayag ng Sumitomo humingi rin ito ng paumanhin sa mga pasahero lalo sa mga nasugatan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *