Walk-in at drive-thru serology testing centers sa Maynila bukas na muli ngayong araw
Simula ngayong araw ay bukas na muli ang walk-in at drive-thru serology testing centers sa Maynila matapos pansamantalang isara nitong nagdaang holiday season.
Maaari pong magpa test ang mga ang mga residente at maging mga hindi residente ng Maynila.
Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes sa alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 g hapon:
Drive-Thru Testing Center:
—Quirino Grandstand
Walk-in Testing Centers:
—Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
—Ospital ng Tondo
—Justice Jose Abad Santos General Hospital
—Ospital ng Sampaloc
—Ospital ng Maynila (D. Cargullo)