WALANG TUBIG: Bahagi ng Las Piñas at Parañaque mawawalan ng suplay ng tubig
Makararanas ng water service interruption ang ilang bahagi ng Las Piñas City at Parañaque City.
Sa abiso ng Maynilad, magsisimula ang mararanasang low water hanggang sa no water supply alas 2:00 ng hapon ngayong Martes, July 28 hanggang alas 9:00 ng gabi.
Ito ay dahil sa mataas na demand ng tubig sa Bagbag Reservoir ng Maynilad.
Narito ang mga maapektuhang mga lugar:
LAS PIÑAS
– BF International / CAA
– D. Fajardo
– Ilaya
– E. Aldana
– Manuyo Uno
– Manuyo Dos
PARAÑAQUE
– BF Homes
– Moonwalk
– San Dionisio
– San Isidro
Pinayuhan ang mga residente na mag-ipon na ng sapat na tubig na kanilang kailangan sa oras na mayroong service interruption.