Visayas at Mindanao apektado ng LPA at ITCZ
Patuloy na nakaaapekto sa Visayas at Mindanao ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.
Huling namataan ang LPA sa layong 240 kilmmeters East ng Davao City.
Nakapaloob pa rin ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at nakaaapekto sa Visayas at Mindanao.
Dahil sa dalawang weather system, sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, at MIMAROPA.
Maulap na papawirin din ang mararanasan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region na mayroong mahihinang pag-ulan.
Sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon bahagyang maulap na papawirin din ang iiral na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan.
Sa buong Mindanao naman, makararanas lamang ng isolated na pag-ulan o thunderstorms. (D. Cargullo)