Virtual oathtaking ng mga bagong pasa sa iba’t ibang licensure exams isasagawa ng PRC

Virtual oathtaking ng mga bagong pasa sa iba’t ibang licensure exams isasagawa ng PRC

Gagawing virtual na lamang ang panunumpa ng mga bagong nakapasa sa iba’t ibang licensure examinations ngayong panahon ng pandemic.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), layon nitong makapapa-rehistro na ang mga bagong nakapasa at makapag-practice na ng kanilang propesyon.

Inabisuhan ang mga nakapasa sa licensure exams na hintayin ang abiso ng PRC para sa schedule ng kanilang virtual o online special oathtaking.

Ibabahagi ito sa official website at social media accounts ng PRC.

Sa sandaling mayroon nang schedule ay pwede nang maghain ng online oathtaking application system.

Narito ang step-by-step procedure para sa aplikasyon: https://www.prc.gov.ph/article/online-oathtaking-application-system/4532

Kung walang gadget at walang access sa internet, pwede pa ring sumailalim sa special oathtaking sa pamamagitan ng regional offices ng PRC. (END)

Follow us on Twitter: https://twitter.com/NewsFlashPH
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/newsflashwebsite

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *