Vinzons, Camarines Norte niyanig ng magnitude 5.1 na lindol; pagyanig naramdaman sa Metro Manila
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa layong 24 kilomters northeast ng Vinzons alas 6:00 ng umaga ngayong Biyernes, February 5.
1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Reported Intensities:
Intensity IV -Capalonga, Camarines Norte
Intensity II – Goa and Naga City, Camarines Sur; Calauag, Quezon Province
Intensity I – Cainta, Rizal
Intrumental Intensities:
Intensity IV – Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity III – Guinayangan, Quezon
Intensity II – Gumaca, Mauban and Lopez, Quezon
Intensity I – Marikina City and Pasig City, Metro Manila; San Rafael, Bulacan
Ayon sa Phivolcs maaring magdulot ng aftershocks ang lindol.