Videoke sa public places bawal sa Pasko at Bagong Taon
Bawal munang mag-videoke sa mga pampublikong lugar sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Hinikayat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinanasa na magbabawal sa paggamit ng videoke o karaoke sa mga pampublikong lugar para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19
Ayon sa DILG, batay sa pahayag ng Department of Health (DOH) mataas ang banta ng pagkalat ng coronavirus sa pamamagitan ng loud singing.
Ayon sa DILG, bawal din namang magbukas pa ang mga karaoke bars at mga restaurant pa lamang ang pinapayagan.
Pero sinabi ni DILG spokesperson, Usec. Jonathan Malaya kung sa loob lamang ng bahay may vi-videke ay maari naman itong gawin.
“We highly discourage public karaoke pero kung 2-3 lang kayo sa bahay at magka-karaoke sa inyong tahanan, sa tingin namin wala naman masama siguro dyan,” ayon kay Malaya sa Laging Handa press briefing.