Vice Mayor ng Bontoc, Mt. Province nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si Bontoc Vice Mayor Eusebio Kabluyen.
Batay sa impormasyon mula sa Facebook page ng Munisipalidad ng Bontoc, lumabas ang resulta ng RT-PCR Test ng bise alkalde noong January 24.
Umapela si Kabluyen sa lahat ng nagkaroon ng direct contact sa kaniya sa nakalipas na 14 na araw na makipag-ugnayan na sa Bontoc Municipal Health Office sa numerong 0950-043-3003.
Magugunitang noong January 15, 2021 ay nagpositibo din sa COVID-19 si Bontoc Mayor Franklin Odsey. (D. Cargullo)