Vice Admiral Eduardo Fabricante itinalaga bilang OIC sa PCG
Itinalaga ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade si Vice Admiral Eduardo Fabricante bilang OIC sa Philippine Coast Guard (PCG).
Kasunod ito ng pormal na pagreretiro ni Coast Guard commandant, Admiral Leopoldo Laroya.
Pinangunahan ni Tugade ang retirememt ceremony para kay Laroya na idinaos noong Huwebes, Feb. 10.
Si Fabricante ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1989 at nagsilbi bilang Deputy Commandant for Operations. (DDC)