Vanuatu niyanig ng magnitude 6.2 na lindol
Tumama ang malakas na magnitude 6.2 na lindol sa Vanuatu.
Ang pagyanig ay naitala sa sa layong 103 kilometers ng Port Vila ayon sa US Gological Survey.
10 kilometers ang lalim ng lindol na naramdaman din sa Solomon Islands at New Caledonia.
Naganap ang pagyanig 10:59 ng umaga ng Linggo (Sept. 6) oras sa Pilipinas.
Ayon naman sa inilabas na Tsunami Information ng Phivolcs, walang banta ng tsunami sa Pilipinas bunsod ng naturang pagyanig. (END)