Vaccination Teams ng Taguig City sinimulan nang sanayin para sa pagbabakuna laban sa COVID-19
Inumpisahan na ang pagsasagawa ng COVID-19 Vaccination Training sa Taguig City.
Idinaos ang unang araw ng COVID-19 Vaccination Training para sa Vaccination Teams ng kungsod sa People’s Hall ng SM Aura.
Nagdaos ng seminar si Dr. Norena Osano, pinuno ng City Health Office, at Dr. Jennifer Lou de Guzman, National Immunization Program Coordinator ng Taguig bilang paghahanda sa vaccination roll-out plan.
Mayroong mahigit 700 experienced vaccinators sa lungsod.
Maliban sa community vaccination centers sa bawat barangay, magtatayo din ang Taguig City LGU ng tatlong mega vaccine facilities para mapabilis ang vaccination program. (D. Cargullo)