Vaccination certificate mula sa 15 pang bansa, teritoryo kikilalanin na ng pamahalaan
Kikilalanin na rin ng pamahalaan ang vaccination certificate mula sa labinglima pang mga bansa.
Ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles inaprubahan ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagkilala sa COVID-19 vaccination certificate mula sa sumusunod na mga lugar:
– Argentina
– Brunei Darussalam
– Cambodia
– Chile
– Denmark
– Ecuador
– Indonesia
– Myanmar
– Papua New Guinea
– Peru
– Portugal
– Spain
– Azerbaijan
– Macau SAR
– Syria
Ang COVID-19 vaccination certificate mula sa nabanggit na mga lugar ay kikilalanin bilang proof of vaccination ng mga biyaherong darating sa bansa. (DDC)