US National Security Adviser Robert O’Brien darating sa bansa
Nasa biyahe na si US National Security Adviser Robert O’Brien para sa kaniyang pagbisita sa Vietnam at Pilipinas.
Ayon sa White House, ang pagpunta ng Pilipinas ng opisyal ay para talakayin ang regional security cooperation ng dalawang bansa.
Dadaan din muna sa Alaska si O’Brien para sa promosyon ng arctic security efforts ng Amerika.
Sa Vietnam naman ay makikipagpulong siya sa Vietnamese security officials sa Hanoi at may talumpati sa mga estudyante ng Vietnam National University.