US itinaas sa Level 4 ang travel alert sa Pilipinas
Nagpalabas ng travel restrictions ang gobyerno ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Itinaas sa Alert Level 4 ang travel alert sa Pilipinas at isinama ang bansa “Do not travel list” nito.
US Embassy, inilabas ng Centers for Disease Control and Prevention ang Level 4 Travel Health Notice dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 dito sa bansa.
Maliban sa COVID-19, inabisuhan din ng US government ang kanilang mga mamamayan na magdagdag ingat sa krimen, terorismo, covil unrest at kidnapping incidents sa Pilipinas.