UP tutol sa nominasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque para sa pwesto sa International Law Commission

UP tutol sa nominasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque para sa pwesto sa International Law Commission

Nagpahayag ng pagtutol ang UP Diliman Executive Committee sa nominasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque para sa pwesto sa International Law Commission.

Ayon sa pahayag ng unibersidad, ang pagtutol ay napagpasyahan sa idinaos na pulong noong Sept. 13.

Binanggit ng UP na si Roque, na kanilang dating professor sa College of Law ay mayroong “very poor track record” sa pagpromote, pagdepensa sa human rights at rule of law.

Partikular umano nang magsimula itong maging miyembro ng gabinete ni Pang. Rodrigo Duterte.

Sinabi ng UP na mababahiran ang reputasyon ng International Law Commission kung mabibigyan ng pwesto dito si Roque.

Ang UP Diliman Executive Committee ay binubuo ng chancellor, vice chancellors, deans, directors ng colleges and schools, university registrar, at tatlong members at large. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *