Unlimited data at no data expiration patuloy na alok ng GOMO PH sa subscribers
Prayoridad ng isang digital company na mapanatiling kunektado ang kanilang subscribers.
Ayon kay Eric Leif Tanbauco, pinuno ng GOMO company, dahil sa new normal, marami na ngayon ang gumagamit ng network connectivity kaya’t lumikha sila ng mga bagong paraan upang paigtingin ang online connectivity.
Dahil dito, patuloy Na aniya Na tumataas ang pagtitiwala Sa kanila n mga Pilipino.
Sinabi ni Tanbauco na layunin ng GOMO App na makapagbigay ng simple at makabagong Telco experience sa mga Pilipino kasama ang Fully Digital Experience, No Expiry Data, at ‘Mo Creds’.
Partikular aniya itong nilikha para sa mga digital na katutubo na gumagamit ng mga digital na solusyon sa kanilang trabaho at mga nakahiligan.
Pahayag ni Tanbauco na ang pag-reinvent sa modelo ng kanilang negosyo ay nakapagbigay ng makabagong diskarte sa digital industry nang wala nang expiration ang data, at may kakayahan na ring i-convert ang data sa mga tawag at text.
Nang ilunsad ang GOMO, isinaalang-alang ng brand ang mga customers nito na talagang bihasa na sa teknolohiya kung saan mararansan ang mabilis na koneksyon gamit ang 5G.
Kamakailan, nag-upgrade din ang GomoGOMO sa 30GB, mula sa 25GB lamang, walang expiration, na may parehong presyo na P299.
Regular din ang alok na flash deals ng GOMO.
Ang patuloy na 3.3 promotion offers ay nag-aalok ng unlimited data para sa mga subscriber.
Upang maihatid sa mas maraming mga Pilipino, pinalawig ng GOMO ang mga flash deals nito mula Marso 8 hanggang 10, upang ipagpatuloy ang pag-alok ng mga Unli promos gaya ng unli data sa loob ng 15 araw at unli data sa loob ng 30 araw sa halagang P499.
Sa ngayon, ani Tanbauco, masaya silang nagagawa nila ang mga hakbang upang matugunan ang mataas na pangangailangan ng publiko para sa digital tool.
Nakatakda namang ilunsad ang ng GOMO ang exclusive deals sa mga pangunahing lungsod sa Visayas at Mindanao sa Marso 15.